Si Juan dela Cruz at si Rizal (Isang impormal na salaysay)


Nakakatuwang isipin na ang pagiging tunay na Pilipino ay hindi madaling sukatin.
Marami rin ang dumadaan sa tinatawag na “Filipino identity crisis”.
Pala-palagay ko lang naman ito.
Maaaring ako lang ang nakaramdam, o baka naman naramdaman din nga ng ibang Pilipino.
Siguro kailangan ko pang magsagawa ng statistical tests and survey para maprove or ma-negate ang claim ko.
Pero dahil sarili ko namang opinyon ang inaari kong source nito, tatayuan ko na ang palagay kong ito.
Dumarating nga kaya ang panahon na ang bawat tao, kasama na si Juan dela Cruz na may pagkakataong nagtatanong siya kung tama ba ang kanyang pinaniniwalaan?
Ang alam ko ayon sa mga historian, sa teacher ko sa P.I 100 at sa mga sabi-sabi sa kanto, si Rizal daw ay nagsuri ng sarili nyang paniniwalang nakagisnan.
Eh kaya nga niya naisulat ang Noli at El Fili eh.
Ganun din kaya ang mga taong naniniwalang siya ang “Kristong Tagalog”?
Naisip ko lang, ano kaya ang mararamdaman ni Rizal kung malaman nya na isang damukal na tao ang sumasamba sa kanya?
Gugustuhin nya kaya ito? O gagawa siya ng continuation ng El Filibusterismo na tungkol naman sa hindi o tama lang na pagsamba sa kanya?
Ewan ko lang.
Hindi ko rin halos maisip kung anong magiging reaksiyon nya.
Pero, baka katulad din ng sabi-sabi ng ibang mga tao na, katulad ni Maria, umiiyak daw siya dahil sinasamba siya ng mga tao, na dapat naman ay hindi.
Iiyak o umiiyak rin kaya si Rizal ngayon kung alam nya ang nangyayari sa lupa?
Sigurado ako, isang-daang porsyento pa.
Iiyak si Rizal kung nakikita nya ang nagyayari sa Pilipinas.
Sigurado ako. Promise. Peksman, mamatay man ang mga kurakot, balahura at lahat ng masasamang element sa gobyerno.
Haha..
Joke lang…
Hindi dahil may mga taong sinasamba siya, pero dahil sa kahirapan ng bawat Pilipino.
Kurapsyon sa gobyerno, inggitan, pamumulitika, patayan…
Hay naku.. name it…
Mapapagod ka lang…
Nakakapagod nga bang baguhin ang Pilipinas?
O marahil, hindi pa tayo nagsisimula ay napapagod na tayo?
Hindi naman siguro ito Utopian mindset…
Hindi.
Sigurado ako.
Pananaw ko na naman ito.
Hindi naman kailangang malaking bagay ang gawin mo para makatulong sa Pilipinas.
Hindi mo man malutas lahat ng problema ng Pilipinas o matulungan ang 10% ng populasyon, hindi parin ito dapat maging hadlang para sa kung sino man na gusto na lang na tumunganga o mag-ingay at magreklamo na lang.
Aba!
Gising!
Bangon!
Lumakad!
At gumawa ka naman!
Hindi nakuntento si Rizal sa pangangarap lang.
Hindi rin naman siya tumigil sa basta pagpuna at pagsulat lang para sa pagbabago.
Gumawa siya.
Kaya naman hindi na nakakapagtaka na maraming grupo katulad ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mistica de Dios, Inc. ang may mataas na pagtingin sa mga bayaning katulad niya.
Sabi ng suprema, ang mga bayani ang sugo ng Diyos.
Lahat ba ay pwedeng maging bayani?
Eh ang maging sugo ng Diyos?
Mahabang usapan siguro yan.
Pero ang pagiging bayani, gamit ang modernong pagtingin ay hindi na nakakahon.
Para sa akin.
Hindi naman kailangang mamatay o may pagdanak ng dugo.
Puso ang kailangan.
Huwag kang mag-alala, hindi ito isa sa mga pick-up lines na usong-usong pinapakalat ngayon sa text.
Hindi rin ito banat ng mga lalakeng may makapal na paghihilatsa ng mukha na mahilig manligaw sa kalye at sa text.
Hindi lahat ng pag-ibig o linyang patungkol sa pag-ibig ay patungkol sa romantic o erotic love.
Minsan naman subukan nating ibahin ang pagtingin sa salitang pag-ibig.
Try mo lang.
Kahit minsan.
Hinahangaan mo man si Rizal o hindi, o kahit sino pang bayani,
Lahat yun walang kabuluhan, kung idolo mo lang sila sa nguso at hindi sa puso.
Nakakatawa siguro ito sa iba, OA naman sa iba, at hindi kapani-paniwala sa iba,
Ano man siguro ang reaksyon ng mga Pilipino, nasa kamay niya ang solusyon.
Sorry nalang si Rizal kung sa huli patulog-tulog parin si Juan dela Cruz.
O hindi kaya sabihin nating sorry na lang mahal na Pilipinas?

Advertisements

Yeah I'm listening :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s